Hindi kami nagkaroon sa inyo ng anumang kapamahalaan; bagkus kayo dati ay mga taong tagapagmalabis. Aṣ-Ṣāffāt 37:30 ⧉
Tafsīr:
Hindi kami nagkaroon sa inyo, O mga tagasunod, ng anumang pangingibabaw sa pamamagitan ng isang panggagapi o isang pananaig para makapagsadlak kami sa inyo sa kawalang-pananampalataya, shirk, at paggawa ng mga pagsuway; bagkus kayo dati ay mga taong lumalampas sa hangganan sa kawalang-pananampalataya at pagkaligaw.