Talaga ngang nanawagan sa Amin si Noe, saka talagang kay inam ang Tagatugon [sa panalangin]. Aṣ-Ṣāffāt 37:75 ⧉
Tafsīr:
Talaga ngang dumalangin sa Amin ang propeta Naming si Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – nang nag-anyaya siya sa mga kababayan niya na nagpasinungaling sa kanya, saka talagang kay inam Kami, ang Tagatugon, sapagkat nagdali-dali Kami sa pagsagot sa panalangin niya laban sa kanila.