Magtiis ka sa sinasabi nila at alalahanin mo ang lingkod Naming si David na may mga [malakas na] kamay; tunay na siya ay palabalik [kay Allāh]. Ṣād 38:17 ⧉
Tafsīr:
Magtiis ka, O Sugo, sa sinasabi ng mga tagapagpasinungaling na ito na hindi nagpapalugod sa iyo. Alalahanin mo ang lingkod Naming si David na may lakas sa pakikipagtunggali sa mga kaaway niya at [may] pagtitiis sa pagtalima kay Allāh. Tunay na siya ay madalas sa pagbabalik kay Allāh sa pamamagitan ng pagbabalik-loob at paggawa ng kinalulugdan ni Allāh.