Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ṣād — Talata 26 (Tagalog) — Bidyo

Ṣād • Talata 26 sa 88 • Tagalog


يَا دَاوُودُ إِنَّا جَعَلْنَاكَ خَلِيفَةً فِي الْأَرْضِ فَاحْكُمْ بَيْنَ النَّاسِ بِالْحَقِّ وَلَا تَتَّبِعِ الْهَوَىٰ فَيُضِلَّكَ عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ ۚ إِنَّ الَّذِينَ يَضِلُّونَ عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ لَهُمْ عَذَابٌ شَدِيدٌ بِمَا نَسُوا يَوْمَ الْحِسَابِ 26
Pagsasalin:
[Sinabi]: “O David, tunay na Kami ay gumawa sa iyo bilang kahalili sa lupain, kaya humatol ka sa pagitan ng mga tao ayon sa katotohanan at huwag kang sumunod sa pithaya para magligaw ito sa iyo palayo sa landas ni Allāh.” Tunay na ang mga naliligaw palayo sa landas ni Allāh, ukol sa kanila ay isang pagdurusang matindi dahil lumimot sila sa Araw ng Pagtutuos. Ṣād 38:26
Tafsīr:
[Sinabi]: "O David, tunay na Kami ay gumawa sa iyo bilang kahalili sa lupa. Magpapatupad ka ng mga kahatulan at mga usapang pangmundo at pangkabilang-buhay. Kaya humusga ka sa pagitan ng mga tao ayon sa katarungan at huwag kang sumunod sa pithaya sa paghahatol mo sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng pagkiling mo sa isa sa magkaalitan dahil sa pagkakamag-anak o pagkakaibigan o pagkiling mo palayo sa kanya dahil sa pagkamuhi sapagkat magliligaw sa iyo ang pithaya palayo sa landasing tuwid." Tunay na ang mga naliligaw palayo sa landasing tuwid ni Allāh, ukol sa kanila ay isang pagdurusang malakas dahilan sa paglimot nila sa Araw ng Pagtutuos yayamang kung sakaling dati silang umaalaala nito at nangangamba rito ay talaga sanang hindi sila kumiling sa mga pithaya nila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ṣād • Talata 25 Susunod Ṣād • Talata 27