[Ang Qur’ān ay] isang pinagpalang Aklat na pinababa Namin sa iyo upang magmuni-muni sila sa mga talata nito at upang magsaalaala ang mga may isip. Ṣād 38:29 ⧉
Tafsīr:
Tunay na ang Qur'ān na ito ay isang aklat na pinababa Namin sa iyo, na marami ang kabutihan at kapakinabangan, upang magmuni-muni ang mga tao sa mga talata nito, [upang] mag-isip-isip sila sa mga kahulugan nito, at upang mapangaralan sa pamamagitan nito ang mga may pag-iisip na matimbang na nagliliwanag.