Tunay na Kami ay nagtangi sa kanila [sa isang layon] dahil sa isang natatanging katangian na pag-alaala sa tahanan [sa Kabilang-buhay]. Ṣād 38:46 ⧉
Tafsīr:
Tunay na Kami ay nagmagandang-loob sa kanila dahil sa isang nakalaang inilaan Namin sa kanila. Ito ay ang pagpupuno sa mga puso nila ng pag-aalaala sa tahanang pangkabilang-buhay at paghahanda para roon sa pamamagitan ng gawang maayos at pag-aanyaya sa mga tao tungo sa paggawa para roon.