Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ṣād — Talata 59 (Tagalog) — Bidyo

Ṣād • Talata 59 sa 88 • Tagalog


هَٰذَا فَوْجٌ مُقْتَحِمٌ مَعَكُمْ ۖ لَا مَرْحَبًا بِهِمْ ۚ إِنَّهُمْ صَالُو النَّارِ 59
Pagsasalin:
[Sasabihin]: “Ito ay isang pulutong na susugod kasama sa inyo. Walang mabuting pagtanggap sa kanila. Tunay na sila ay masusunog sa Apoy.” Ṣād 38:59
Tafsīr:
Kapag pumasok ang mga mamamayan ng Apoy, magaganap sa pagitan nila ang magaganap sa pagitan ng mga magkaalitan gaya ng pang-aalipusta at pagpapakawalang-kaugnayan ng isa't isa sa kanila. Kaya magsasabi ang iba sa kanila: "Ito ay isang pangkating kabilang sa mga mamamayan ng Apoy na papasok sa Apoy kasama sa inyo," saka sasagot naman ang mga iyon: "Walang mabuting pagtanggap sa kanila. Tunay na sila ay mga magdurusa sa pagdurusa sa Apoy tulad ng pagdurusa namin."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ṣād • Talata 58 Susunod Ṣād • Talata 60