Magsasabi sila: “Panginoon namin, ang sinumang naghain sa amin nito ay magdagdag Ka sa kanya ng isang ibayong pagdurusa sa Apoy.” Ṣād 38:61 ⧉
Tafsīr:
Magsasabi ang mga tagasunod: "O Panginoon namin, ang sinumang nagligaw sa amin palayo sa patnubay matapos noong dumating ito sa amin ay gawin Mo ang pagdurusa niya sa Apoy na isang pagdurusang pinag-ibayo."