Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ṣād — Talata 65 (Tagalog) — Bidyo

Ṣād • Talata 65 sa 88 • Tagalog


قُلْ إِنَّمَا أَنَا مُنْذِرٌ ۖ وَمَا مِنْ إِلَٰهٍ إِلَّا اللَّهُ الْوَاحِدُ الْقَهَّارُ 65
Pagsasalin:
Sabihin mo, [O Propeta Muḥammad]: “Ako ay isang tagapagbabala lamang. Walang anumang Diyos kundi si Allāh, ang Nag-iisa, ang Palalupig [sa lahat], Ṣād 38:65
Tafsīr:
Sabihin mo, O Muḥammad, sa mga tagatangging sumampalataya kabilang sa mga kalipi mo: "Ako ay isang tagapagbabala lamang para sa inyo ng pagdurusang dulot ni Allāh na pababagsakin Niya sa inyo dahilan sa kawalang-pananampalataya ninyo sa Kanya at pagpapasinungaling ninyo sa mga sugo Niya. Walang natatagpuang Diyos na nagiging karapat-dapat sa pagsamba kundi si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – sapagkat Siya ay ang namumukod-tangi sa kadakilaan Niya, mga katangian Niya, at mga pangalan Niya. Siya ay ang Palalupig na lumupig sa bawat bagay sapagkat ang bawat bagay ay nagpapasailalim sa Kanya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ṣād • Talata 64 Susunod Ṣād • Talata 66