Nagsabi [si Satanas]: “Ako ay higit na mabuti kaysa sa kanya; lumikha Ka sa akin mula sa isang apoy at lumikha Ka sa kanya mula sa isang putik.” Ṣād 38:76 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi si Iblis: "Ako ay higit na mabuti kaysa sa kay Adan sapagkat lumikha Ka nga sa akin mula sa isang apoy at lumikha Ka sa kanya mula sa isang putik." Ito ay ayon sa haka-haka niya na ang apoy ay higit na marangal bilang elemento kaysa sa putik.