Sabihin mo, [O Propeta Muḥammad]: “Hindi ako humihingi sa inyo dahil dito [sa Mensahe] ng anumang pabuya. Ako ay hindi kabilang sa mga nagkukunwari. Ṣād 38:86 ⧉
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Hindi ako humihingi sa inyo ng anumang ganti dahil sa ipinaaabot ko sa inyo na pagpapayo. Ako ay hindi kabilang sa mga nagkukunwari sa pamamagitan ng paggawa ng karagdagan sa ipinag-utos sa akin.