O taglay ba nila ang mga imbakan ng awa ng Panginoon mo, ang Makapangyarihan, ang Palakaloob? Ṣād 38:9 ⧉
Tafsīr:
O taglay ba ng mga tagapagtambal na tagapagpasinungaling na ito ang mga imbakan ng kabutihang-loob ng Panginoon mo, ang Makapangyarihan na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, ang nagbibigay ng anumang ninanais Niya sa sinumang ninanais Niya? Bahagi ng mga imbakan ng kabutihang-loob Niya ang pagkapropeta, saka ibinibigay Niya ito sa sinumang niloloob Niya. Ito ay hindi ukol sa kanila mismo upang igawad nila sa sinumang niloob nila at ipagkait nila sa sinumang ninais nila.