Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Az-Zumar — Talata 21 (Tagalog) — Bidyo

Az-Zumar • Talata 21 sa 75 • Tagalog


أَلَمْ تَرَ أَنَّ اللَّهَ أَنْزَلَ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَسَلَكَهُ يَنَابِيعَ فِي الْأَرْضِ ثُمَّ يُخْرِجُ بِهِ زَرْعًا مُخْتَلِفًا أَلْوَانُهُ ثُمَّ يَهِيجُ فَتَرَاهُ مُصْفَرًّا ثُمَّ يَجْعَلُهُ حُطَامًا ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَذِكْرَىٰ لِأُولِي الْأَلْبَابِ 21
Pagsasalin:
Hindi mo ba nakita na si Allāh ay nagpababa mula sa langit ng tubig saka nagpanuot Siya nito sa mga bukal sa lupa, pagkatapos nagpapalabas Siya sa pamamagitan nito ng pananim na nagkakaiba-iba ang mga kulay nito, pagkatapos nalalanta ito kaya nakikita mo ito na naninilaw, pagkatapos gumagawa Siya rito na mga pira-piraso. Tunay na sa gayon ay talagang may paalaala para sa mga may isip. Az-Zumar 39:21
Tafsīr:
Tunay na kayo ay nakaaalam sa pamamagitan ng pagkasaksi na si Allāh ay nagpababa mula sa langit ng tubig ng ulan, saka nagpapasok nito sa mga bukal at mga daluyan; pagkatapos ay nagpapalabas Siya sa pamamagitan ng tubig na ito ng pananim na nagkakaiba-iba ang mga kulay; pagkatapos ay natutuyo ang pananim, saka nakikita mo ito, o nakasasaksi, na naninilaw ang kulay matapos na ito dati ay luntian; pagkatapos ay gumagawa Siya rito, matapos ng pagkatuyo, na nagkapira-piraso na nagkadurug-durog. Tunay na sa nabanggit na iyon ay talagang may isang pagpapaalaala para sa mga may pusong buhay.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Az-Zumar • Talata 20 Susunod Az-Zumar • Talata 22