Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Az-Zumar — Talata 24 (Tagalog) — Bidyo

Az-Zumar • Talata 24 sa 75 • Tagalog


أَفَمَنْ يَتَّقِي بِوَجْهِهِ سُوءَ الْعَذَابِ يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۚ وَقِيلَ لِلظَّالِمِينَ ذُوقُوا مَا كُنْتُمْ تَكْسِبُونَ 24
Pagsasalin:
Kaya ba ang sinumang nagsasangga ng mukha niya sa kasagwaan ng pagdurusa sa Araw ng Pagbangon [ay gaya ng sinumang pinagiginhawa sa Paraiso]? Sasabihin sa mga tagalabag sa katarungan: “Lasapin ninyo ang dati ninyong kinakamit [na kaalanan].” Az-Zumar 39:24
Tafsīr:
Nagkakapantay ba itong pinatnubayan ni Allāh, itinuon Niya [habang] nasa Mundo, at pinapasok Niya sa Hardin sa Kabilang-buhay, at ang sinumang tumangging sumampalataya at namatay sa kawalang-pananampalataya nito kaya pinapasok Niya ito sa Apoy na nakagapos ang mga kamay at ang mga paa, na hindi nakakakaya na sumangga sa apoy malibang sa pamamagitan ng mukha nitong isinubsob? Sasabihin sa mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway bilang panunumbat: "Lasapin ninyo ang dati ninyong kinakamit na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway sapagkat ito ay ang ganti sa inyo."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Az-Zumar • Talata 23 Susunod Az-Zumar • Talata 25