Ang naghatid [na si Propeta Muḥammad] ng katapatan at nagpatotoo rito, ang mga iyon ay ang mga tagapangilag magkasala. Az-Zumar 39:33 ⧉
Tafsīr:
Ang naghatid ng katapatan sa mga sabi niya at mga gawa niya kabilang sa mga propeta at mga iba pa sa kanila, at nagpatotoo rito bilang mananampalataya at gumawa sa hinihiling nito, ang mga iyon ay ang mga tagapangilag magkasala, nang totohanan, na mga sumusunod sa ipinag-uutos ng Panginoon nila at umiiwas sa sinasaway Niya.