Ang sinumang papatnubayan ni Allāh ay walang ukol dito na anumang tagapagligaw. Hindi ba si Allāh ay Makapangyarihan, May paghihiganti [sa kasamaan]? Az-Zumar 39:37 ⧉
Tafsīr:
Ang sinumang itinutuon ni Allāh sa kapatnubayan ay walang tagapagligaw na nakakakaya sa pagliligaw rito. Hindi ba si Allāh ay Makapangyarihan na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, May paghihiganti sa sinumang tumatangging sumampalataya sa Kanya at sumusuway sa Kanya? Oo; tunay na Siya ay talagang Makapangyarihan, May paghihiganti.