Kapag binanggit si Allāh nang mag-isa, nangririmarim ang mga puso ng mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay. Kapag binanggit ang mga [sinasamba nila] bukod pa sa Kanya, biglang sila ay nagagalak. Az-Zumar 39:45 ⧉
Tafsīr:
Kapag binanggit si Allāh nang mag-isa, tumututol ang mga puso ng mga tagapagtambal na hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay at anumang naroon gaya ng pagbubuhay na muli, pagtutuos, at pagganti. Kapag binanggit ang mga anitong sinasamba nila bukod pa kay Allāh, biglang sila ay mga napasasaya, mga natutuwa.