Bagkus dumating nga sa iyo ang mga talata Ko ngunit nagpasinungaling ka sa mga ito, nagmalaki ka, at ikaw ay naging kabilang sa mga tagatangging sumampalataya. Az-Zumar 39:59 ⧉
Tafsīr:
Ang usapin ay hindi gaya ng hinaka-haka mo na pagmimithi ng kapatnubayan sapagkat dumating nga sa iyo ang mga tanda Ko ngunit nagpasinungaling ka sa mga ito, nagpakamalaki ka, at ikaw ay naging kabilang sa mga tagatangging sumampalataya kay Allāh, sa mga tanda Niya, at mga sugo Niya.