Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Az-Zumar — Talata 6 (Tagalog) — Bidyo

Az-Zumar • Talata 6 sa 75 • Tagalog


خَلَقَكُمْ مِنْ نَفْسٍ وَاحِدَةٍ ثُمَّ جَعَلَ مِنْهَا زَوْجَهَا وَأَنْزَلَ لَكُمْ مِنَ الْأَنْعَامِ ثَمَانِيَةَ أَزْوَاجٍ ۚ يَخْلُقُكُمْ فِي بُطُونِ أُمَّهَاتِكُمْ خَلْقًا مِنْ بَعْدِ خَلْقٍ فِي ظُلُمَاتٍ ثَلَاثٍ ۚ ذَٰلِكُمُ اللَّهُ رَبُّكُمْ لَهُ الْمُلْكُ ۖ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ۖ فَأَنَّىٰ تُصْرَفُونَ 6
Pagsasalin:
Lumikha Siya sa inyo mula sa nag-iisang kaluluwa [na si Adan]. Pagkatapos gumawa Siya mula rito ng kabiyak nito [na si Eva]. Nagpababa Siya para sa inyo mula sa mga hayupan ng walong magkapares. Lumilikha Siya sa inyo sa mga tiyan ng mga ina ninyo sa isang paglikha matapos na ng isang paglikha sa tatlong kadiliman. Iyon si Allāh, ang Panginoon ninyo; ukol sa Kanya ang paghahari. Walang Diyos kundi Siya. Kaya paano kayong inililihis [palayo sa katotohanan]?” Az-Zumar 39:6
Tafsīr:
Lumikha sa inyo ang Panginoon ninyo, O mga tao, mula sa nag-iisang kaluluwa, si Adan. Pagkatapos lumikha Siya mula kay Adan ng kabiyak nitong si Eva. Lumikha Siya para sa inyo mula sa mga kamelyo, mga baka, mga tupa, at mga kambing ng walong uri, na mula sa bawat kaurian ay lumikha Siya ng isang lalaki at isang babae. Nagpaluwal Siya sa inyo – kaluwalhatian sa Kanya – sa mga tiyan ng mga ina ninyo sa isang yugto matapos ng isang yugto sa mga kadiliman ng tiyan, sinapupunan, at inunan (placenta). Yaong lumilikha niyon sa kabuuan niyon ay si Allāh, ang Panginoon ninyo. Sa Kanya lamang ang Paghahari. Walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya. Kaya papaano kayong inililihis palayo sa pagsamba sa Kanya tungo sa pagsamba sa mga hindi lumilikha ng anuman gayong sila ay nililikha?"
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Az-Zumar • Talata 5 Susunod Az-Zumar • Talata 7