Sa Kanya ang mga susi ng mga langit at lupa. Ang mga tumangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga lugi. Az-Zumar 39:63 ⧉
Tafsīr:
Sa Kanya lamang ang mga susi ng mga imbakan ng mga biyaya sa mga langit at lupa. Nagkakaloob Siya ng mga ito sa sinumang niloloob Niya at pumipigil Siya ng mga ito sa sinumang niloloob Niya. Ang mga tumangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga lugi dahil sa pagkakait sa kanila ng pananampalataya sa buhay nila sa Mundo at dahil sa pagpasok nila sa Apoy bilang mga mananatili roon sa Kabilang-buhay.