Aakayin ang mga tumangging sumampalataya patungo sa Impiyerno nang [nagkasunud-sunod na] pangkat-pangkat; hanggang sa nang dumating sila roon ay bubuksan ang mga pintuan niyon at magsasabi sa kanila ang mga tagatanod niyon: “Wala bang pumunta sa inyo na mga sugong kabilang sa inyo, na bumibigkas sa inyo ng mga tanda ng Panginoon ninyo at nagbababala sa inyo sa pakikipagkita sa Araw ninyong ito?” Magsasabi sila: “Oo; ngunit nagindapat ang hatol ng pagdurusa sa mga tagatangging sumampalataya.” Az-Zumar 39:71 ⧉
Tafsīr:
Aakay ang mga anghel sa mga tagatangging sumampalataya kay Allāh patungo sa Impiyerno sa mga pangkat na hamak hanggang sa, kapag dumating sila sa Impiyerno, magbubukas ng mga pintuan nito para sa kanila ang mga tanod nito na mga anghel na itinalaga roon at sasalubong ang mga ito sa kanila nang may panunumbat habang mga nagsasabi sa kanila: "Wala bang pumunta sa inyo na mga sugong kabilang sa uri inyo, na bumibigkas sa inyo ng mga tanda ng Panginoon ninyo na pinababa sa inyo at nagpapangamba sa inyo sa pakikipagkita sa Araw ng Pagbangon dahil sa taglay nito na isang pagdurusang matindi?" Sasabihin ng mga tumangging sumampalataya habang mga umaamin laban sa mga sarili nila: "Oo; nangyari nga ang lahat ng iyon, subalit kinailangan ang hatol ng pagdurusa sa mga tagatangging sumampalataya at kami dati ay mga tagatangging sumampalataya."