Tunay na ang mga kumakain ng mga yaman ng mga ulila dala ng kawalang-katarungan ay kumakain lamang sa mga tiyan nila ng apoy at masusunog sila sa isang liyab [ng Impiyerno]. An-Nisā’ 4:10 ⧉
Tafsīr:
Tunay na ang mga kumukuha ng mga ari-arian ng mga ulila at gumagawa sa mga ito ng paglabag sa katarungan at ng pagsalansang ay kumakain lamang sa mga sikmura nila ng apoy na maglalagablab sa kanila at susunog sa kanila ang Apoy sa Araw ng Pagkabuhay.