Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 104 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 104 sa 176 • Tagalog


وَلَا تَهِنُوا فِي ابْتِغَاءِ الْقَوْمِ ۖ إِنْ تَكُونُوا تَأْلَمُونَ فَإِنَّهُمْ يَأْلَمُونَ كَمَا تَأْلَمُونَ ۖ وَتَرْجُونَ مِنَ اللَّهِ مَا لَا يَرْجُونَ ۗ وَكَانَ اللَّهُ عَلِيمًا حَكِيمًا 104
Pagsasalin:
Huwag kayong panghinaan ng loob sa pagtugis sa mga tao [na kaaway]. Kung kayo ay nasasaktan, tunay na sila ay nasasaktan kung paanong nasasaktan kayo. Nakaasam kayo mula kay Allāh ng hindi sila nakaaasam. Laging si Allāh ay Maalam, Marunong. An-Nisā’ 4:104
Tafsīr:
Huwag kayong manghina, O mga mananampalataya, at huwag kayong tamarin sa paghanap sa kaaway ninyo kabilang sa mga tagatangging sumampalataya. Kung kayo ay nasasaktan sa tumama sa inyo na pagpatay at pagkasugat, tunay na sila ay gayon din: nasasaktan sila kung paanong nasasaktan kayo at dumadapo sa kanila ang tulad ng dumadapo sa inyo. Kaya ang pagtitiis nila ay huwag maging higit na malaki kaysa sa pagtitiis ninyo sapagkat tunay na kayo ay nakaaasam mula kay Allāh ng gantimpala, pag-aadya, at pag-aayuda, na hindi sila nakaaasam. Laging si Allāh ay Maalam sa mga kalagayan ng mga lingkod Niya, Marunong sa pangangasiwa Niya at pagbabatas Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 103 Susunod An-Nisā’ • Talata 105