Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 108 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 108 sa 176 • Tagalog


يَسْتَخْفُونَ مِنَ النَّاسِ وَلَا يَسْتَخْفُونَ مِنَ اللَّهِ وَهُوَ مَعَهُمْ إِذْ يُبَيِّتُونَ مَا لَا يَرْضَىٰ مِنَ الْقَوْلِ ۚ وَكَانَ اللَّهُ بِمَا يَعْمَلُونَ مُحِيطًا 108
Pagsasalin:
Nagpapakubli sila mula sa mga tao [ng pagsuway] ngunit hindi sila nagpapakubli [nito] mula kay Allāh at Siya ay kasama sa kanila noong nagpapanukala sila sa magdamag ng anumang hindi Siya nalulugod na sinasabi. Laging si Allāh, sa anumang ginagawa nila, ay Tagapaligid. An-Nisā’ 4:108
Tafsīr:
Nakapaglilihim sila mula sa mga tao sa sandali ng pagkagawa nila ng isang pagsuway dala ng pangamba at pagkahiya at hindi sila nakapaglilihim mula kay Allāh. Siya ay kasama sa kanila sa pamamagitan ng pagkakasaklaw Niya sa kanila. Walang naikukubli sa Kanya mula sa kanila na anuman nang nagpapanukala sila nang pakubli ng anumang hindi Siya nalulugod na sinasabi gaya ng pagtatanggol sa nagkakasala at pagpaparatang sa inosente. Laging si Allāh, sa anumang ginagawa nila nang palihim at hayagan, ay Tagapalibot: walang nakakukubli sa Kanya na anuman. Gaganti Siya sa kanila sa mga gawa nila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 107 Susunod An-Nisā’ • Talata 109