Ang sinumang gumagawa ng kasagwaan [sa iba] o lumalabag sa katarungan sa sarili niya, pagkatapos humihingi ng tawad kay Allāh, makatatagpo siya na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. An-Nisā’ 4:110 ⧉
Tafsīr:
Ang sinumang gumagawa ng isang masagwang gawain o lumalabag sa katarungan sa sarili niya sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagsuway, pagkatapos humihiling ng kapatawaran mula kay Allāh habang umaamin sa pagkakasala niya, na nagsisisi roon, na kumakalas doon, makatatagpo siya na si Allāh ay magpakailanman Mapagpatawad sa mga pagkakasala niya, Maawain sa kanya.