Tunay na si Allāh ay hindi magpapatawad na tambalan Siya at magpapatawad sa anumang bukod pa roon sa sinumang loloobin Niya. Ang sinumang nagtatambal kay Allāh ay naligaw nga nang isang pagkaligaw na malayo. An-Nisā’ 4:116 ⧉
Tafsīr:
Tunay na si Allāh ay hindi magpapatawad na tambalan Siya, bagkus magpapanatili Siya sa tagapagtambal sa Apoy, at magpapatawad sa anuman bukod pa sa Shirk na mga pagsuway sa sinumang loloobin Niya dahil sa awa Niya at kabutihang-loob Niya. Ang sinumang nagtatambal kay Allāh ng isa man ay nalihis nga sa katotohanan at napalayo buhat dito nang pagkakalayong marami dahil siya ay nagpapantay sa pagitan ng Tagapaglikha at nilikha.