Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 119 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 119 sa 176 • Tagalog


وَلَأُضِلَّنَّهُمْ وَلَأُمَنِّيَنَّهُمْ وَلَآمُرَنَّهُمْ فَلَيُبَتِّكُنَّ آذَانَ الْأَنْعَامِ وَلَآمُرَنَّهُمْ فَلَيُغَيِّرُنَّ خَلْقَ اللَّهِ ۚ وَمَنْ يَتَّخِذِ الشَّيْطَانَ وَلِيًّا مِنْ دُونِ اللَّهِ فَقَدْ خَسِرَ خُسْرَانًا مُبِينًا 119
Pagsasalin:
talagang magliligaw nga ako sa kanila, talagang magpapamithi nga ako sa kanila, talagang mag-uutos nga ako sa kanila kaya talagang magpuputol nga sila ng mga tainga ng mga hayupan, at talagang mag-uutos nga ako sa kanila kaya magpapalit nga sila sa pagkakalikha ni Allāh.” Ang sinumang gumagawa sa demonyo bilang katangkilik bukod pa kay Allāh ay nalugi nga siya ng isang pagkaluging malinaw. An-Nisā’ 4:119
Tafsīr:
Talagang magbabalakid nga ako sa kanila sa landasin Mong tuwid, talagang magpapamithi nga ako sa kanila ng mga pangakong sinungaling na maggagayak para sa kanila ng pagkaligaw nila, talagang mag-uutos nga ako sa kanila ng pagpuputul-putol ng mga tainga ng mga hayupan para sa pagbabawal sa ipinahintulot ni Allāh mula sa mga ito, at talagang mag-uutos nga ako sa kanila ng pagpapalit sa pagkakalikha ni Allāh at kalikasan ng pagkalalang Niya." Ang sinumang gumagawa sa demonyo bilang katangkilik na tinatangkilik niya at tinatalima niya ay nalugi nga siya ng isang pagkaluging malinaw dahil sa pakikipagtangkilik sa demonyong isinumpa.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 118 Susunod An-Nisā’ • Talata 120