Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 123 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 123 sa 176 • Tagalog


لَيْسَ بِأَمَانِيِّكُمْ وَلَا أَمَانِيِّ أَهْلِ الْكِتَابِ ۗ مَنْ يَعْمَلْ سُوءًا يُجْزَ بِهِ وَلَا يَجِدْ لَهُ مِنْ دُونِ اللَّهِ وَلِيًّا وَلَا نَصِيرًا 123
Pagsasalin:
Hindi ito alinsunod sa mga mithiin ninyo ni mga mithiin ng mga May Kasulatan. Ang sinumang gumagawa ng kasagwaan ay gagantihan siya dahil dito at hindi siya makatatagpo para sa kanya bukod pa kay Allāh ng isang katangkilik ni isang mapag-adya. An-Nisā’ 4:123
Tafsīr:
Ang usapin ng kaligtasan at tagumpay ay hindi sumusunod sa minimithi ninyo, O mga Muslim, o sa minimithi ng mga May Kasulatan, bagkus ang usapin ay sumusunod sa gawa. Kaya ang sinumang gumagawa kabilang sa inyo ng isang gawaing masagwa ay gagantihan dahil dito sa Araw ng Pagbangon. Hindi siya makatatagpo para sa kanya bukod pa kay Allāh ng isang katangkilik na magdudulot sa kanya ng kapakinabangan, ni ng isang mapag-adyang magtutulak palayo sa kanya ng kapinsalaan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 122 Susunod An-Nisā’ • Talata 124