Kung loloobin Niya, aalisin Niya kayo, O mga tao, at magdadala Siya ng mga iba pa [kapalit sa inyo]. Laging si Allāh sa gayon ay May-kakayahan. An-Nisā’ 4:133 ⧉
Tafsīr:
Kung loloobin Niya, lilipulin Niya kayo, O mga tao, at magdadala Siya ng mga iba pa sa inyo, na tatalima kay Allāh at hindi susuway sa Kanya. Laging si Allāh sa gayon ay May-kakayahan.