Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 135 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 135 sa 176 • Tagalog


يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا كُونُوا قَوَّامِينَ بِالْقِسْطِ شُهَدَاءَ لِلَّهِ وَلَوْ عَلَىٰ أَنْفُسِكُمْ أَوِ الْوَالِدَيْنِ وَالْأَقْرَبِينَ ۚ إِنْ يَكُنْ غَنِيًّا أَوْ فَقِيرًا فَاللَّهُ أَوْلَىٰ بِهِمَا ۖ فَلَا تَتَّبِعُوا الْهَوَىٰ أَنْ تَعْدِلُوا ۚ وَإِنْ تَلْوُوا أَوْ تُعْرِضُوا فَإِنَّ اللَّهَ كَانَ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرًا 135
Pagsasalin:
O mga sumampalataya, kayo ay maging mga tagapagpanatili ng pagkamakatarungan, mga saksi para kay Allāh kahit pa laban sa mga sarili ninyo o mga magulang at mga pinakamalapit na kaanak. Kung naging isang mayaman o isang maralita, si Allāh ay higit na karapat-dapat sa kanilang dalawa. Kaya huwag kayong sumunod sa pithaya, na baka lumihis kayo. Kung magbabaluktot kayo [ng pagsasaksi] o aayaw kayo, tunay na si Allāh laging sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid. An-Nisā’ 4:135
Tafsīr:
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, kayo ay maging mga tagapanatili ng katarungan sa lahat ng mga kalagayan ninyo, mga gumaganap ng pagsasaksi sa katotohanan sa bawat isa, kahit pa humiling iyon na umamin kayo laban sa mga sarili ninyo ng katotohanan, o laban sa mga magulang ninyo o mga kaanak na pinakamalapit sa inyo. Huwag ngang mag-uudyok sa inyo ang pagkamaralita ng isa o ang pagkamayaman niya sa pagsasaksi o pag-ayaw nito sapagkat si Allāh ay higit na karapat-dapat sa maralita at mayaman kaysa sa inyo at higit na nakaaalam sa mga kapakanan nila. Kaya huwag kayong sumunod sa mga pithaya sa pagsasaksi ninyo upang hindi kayo lumihis palayo sa katotohanan doon. Kung pumilipit kayo sa pagsasaksi sa pamamagitan ng pagganap nito ayon sa hindi nauukol dito, o umayaw kayo sa pagganap nito, tunay na si Allāh laging sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 134 Susunod An-Nisā’ • Talata 136