Ang sinumang sumusuway kay Allāh at sa Sugo Niya at lumalampas sa mga hangganan Niya ay magpapapasok Siya sa Apoy bilang mananatili roon at ukol sa kanya ay isang pagdurusang manghahamak. An-Nisā’ 4:14 ⧉
Tafsīr:
Ang sinumang sumusuway kay Allāh at sa Sugo Niya sa pamamagitan ng pagpapatigil sa mga patakaran Niya at pag-iwan sa pagsasagawa sa mga ito o pagdududa sa mga ito, at lumalampas sa mga hangganan ng isinabatas Niya ay magpapapasok Siya rito sa Apoy bilang mamamalagi roon at ukol dito roon ay isang pagdurusang mang-aaba.