Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 21 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 21 sa 176 • Tagalog


وَكَيْفَ تَأْخُذُونَهُ وَقَدْ أَفْضَىٰ بَعْضُكُمْ إِلَىٰ بَعْضٍ وَأَخَذْنَ مِنْكُمْ مِيثَاقًا غَلِيظًا 21
Pagsasalin:
Papaano kayong kukuha nito samantalang nagtalik na ang isa’t isa sa inyo at tumanggap sila mula sa inyo ng isang kasunduang mahigpit? An-Nisā’ 4:21
Tafsīr:
Papaano kayong kukuha ng ibinigay ninyo sa kanila na bigay-kaya matapos ng nangyari sa inyo na isang relasyon, isang pagmamahalan, isang pagpapasarap, at isang pagpapabatid ng mga lihim sapagkat tunay na ang paghahangad sa anumang yamang nasa mga kamay nila matapos nito ay isang bagay na nakasasama at minamasagwa. Tumanggap nga sila mula sa inyo ng isang mahigpit na kasunduang pinagtibay: ang pagpapahintulot ng mga sarili nila sa inyo ayon sa salita ni Allāh – pagkataas-taas Siya – at batas Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 20 Susunod An-Nisā’ • Talata 22