Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 26 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 26 sa 176 • Tagalog


يُرِيدُ اللَّهُ لِيُبَيِّنَ لَكُمْ وَيَهْدِيَكُمْ سُنَنَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِكُمْ وَيَتُوبَ عَلَيْكُمْ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ 26
Pagsasalin:
Nagnanais si Allāh na maglinaw para sa inyo, magpatnubay sa inyo ng mga kalakaran ng mga bago pa ninyo, at tumanggap ng pagbabalik-loob sa inyo. Si Allāh ay Maalam, Marunong. An-Nisā’ 4:26
Tafsīr:
Nagnanais si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – sa pagsasabatas Niya ng mga patakarang ito para sa inyo na maglinaw para sa inyo ng mga kakanyahan ng batas Niya at relihiyon Niya, at anumang naroon ang mga kapakanan ninyo sa Mundo at Kabilang-buhay. Nagnanais Siya na gumabay sa inyo tungo sa mga daan ng mga propeta bago pa ninyo kaugnay sa pagpapahintulot at pagbabawal, sa mga katangian nilang marangal, at sa mga talambuhay nilang kapuri-puri upang sundan ninyo sila. Nagnanais Siya na magpabalik sa inyo mula sa pagsuway sa Kanya tungo sa pagtalima sa Kanya. Si Allāh ay Maaalam sa anumang naroon ang kapakanan ng mga lingkod Niya kaya nagsasabatas Siya para sa kanila, Marunong sa pagbabatas Niya at pangangasiwa Niya sa mga nauukol sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 25 Susunod An-Nisā’ • Talata 27