Nagnanais si Allāh na magpagaan sa inyo. Nilikha ang tao na mahina [sa kalikasan nito at kaasalan nito]. An-Nisā’ 4:28 ⧉
Tafsīr:
Nagnanais si Allāh na magpagaan sa inyo kaugnay sa isinabatas Niya kaya hindi Siya nag-aatang sa inyo ng hindi ninyo nakakaya dahil Siya ay nakaaalam sa kahinaan ng tao sa pagkakalikha nito at kaasalan nito.