Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 31 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 31 sa 176 • Tagalog


إِنْ تَجْتَنِبُوا كَبَائِرَ مَا تُنْهَوْنَ عَنْهُ نُكَفِّرْ عَنْكُمْ سَيِّئَاتِكُمْ وَنُدْخِلْكُمْ مُدْخَلًا كَرِيمًا 31
Pagsasalin:
Kung iiwas kayo sa mga malaking kasalanan na isinaway sa inyo ay magtatakip-sala Kami sa inyo sa mga masagwang gawa ninyo at magpapapasok Kami sa inyo sa isang pasukang marangal [sa Paraiso]. An-Nisā’ 4:31
Tafsīr:
Kung lalayo kayo, O mga mananampalataya, sa paggawa ng mga malaking pagsuway tulad ng pagtatambal kay Allāh, pagpapakasuwail sa mga magulang, pagpatay ng tao, at pakikinabang sa patubuan, magpapalampas Siya sa nagagawa ninyong mga maliit na kasalanan sa pamamagitan ng pagtatakip-sala sa mga ito at pagpawi sa mga ito, at magpapapasok Siya sa inyo sa isang pook na marangal sa ganang Kanya, ang Paraiso.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 30 Susunod An-Nisā’ • Talata 32