Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 40 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 40 sa 176 • Tagalog


إِنَّ اللَّهَ لَا يَظْلِمُ مِثْقَالَ ذَرَّةٍ ۖ وَإِنْ تَكُ حَسَنَةً يُضَاعِفْهَا وَيُؤْتِ مِنْ لَدُنْهُ أَجْرًا عَظِيمًا 40
Pagsasalin:
Tunay na si Allāh ay hindi lumalabag sa katarungan na kasimbigat ng isang katiting. Kung may isang magandang gawa ay pag-iibayuhin Niya ito [sa gantimpala] at magbibigay Siya mula sa taglay Niya ng isang pabuyang mabigat. An-Nisā’ 4:40
Tafsīr:
Tunay na si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay makatarungan: hindi lumalabag ng anuman sa katarungan sa mga lingkod Niya, kaya hindi Siya bumabawas mula sa mga magandang gawa nila ng kasimbigat ng isang maliit na langgam at hindi Siya dumadagdag sa masagwang gawa nila ng anuman. Kung ang [gawa na may] timbang ng isang maliit na langgam ay maganda, magpapaibayo Siya sa gantimpala nito bilang kabutihang-loob mula sa Kanya at magbibigay Siya mula sa ganang Kanya, kasabay ng pagpapaibayo, ng isang gantimpalang mabigat.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 39 Susunod An-Nisā’ • Talata 41