Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 48 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 48 sa 176 • Tagalog


إِنَّ اللَّهَ لَا يَغْفِرُ أَنْ يُشْرَكَ بِهِ وَيَغْفِرُ مَا دُونَ ذَٰلِكَ لِمَنْ يَشَاءُ ۚ وَمَنْ يُشْرِكْ بِاللَّهِ فَقَدِ افْتَرَىٰ إِثْمًا عَظِيمًا 48
Pagsasalin:
Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatawad na tambalan Siya at magpapatawad naman Siya sa anumang mababa pa roon sa sinumang loloobin Niya. Ang sinumang nagtatambal kay Allāh ay gumawa-gawa nga ng isang kasalanang sukdulan. An-Nisā’ 4:48
Tafsīr:
Tunay na si Allāh ay hindi magpapatawad na tambalan Siya ng anuman mula sa mga nilikha Niya at magpapalampas naman Siya sa anumang mababa pa sa Shirk at Kawalang-pananampalataya kabilang sa mga pagsuway sa sinumang loloobin Niya dahil sa kabutihang-loob Niya, o magpaparusa Siya dahil sa mga ito sa sinumang niloob Niya kabilang sa kanila ayon sa sukat ng mga pagkakasala nila ayon sa katarungan Niya. Ang sinumang nagtatambal kay Allāh ng iba pa sa Kanya ay lumikha-likha nga ng isang kasalanang sukdulan na hindi mapatatawad ang sinumang namatay rito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 47 Susunod An-Nisā’ • Talata 49