Hindi ka ba nakaalam sa mga [Hudyong] binigyan ng isang bahagi mula sa Kasulatan? Sumasampalataya sila sa dinidiyos at nagpapakadiyos at nagsasabi sila sa mga tumangging sumampalataya na ang mga ito ay higit na napatnubayan kaysa sa mga sumampalataya ayon sa landas. An-Nisā’ 4:51 ⧉
Tafsīr:
Hindi ka ba nakaalam, O Sugo, at nagtataka sa kalagayan ng mga Hudyo na binigyan ni Allāh ng isang bahagi mula sa kaalaman? Sumasampalataya sila sa ginawa nilang mga sinasamba bukod pa kay Allāh, at nagsasabi sila bilang pakikisama sa mga tagapagtambal: "Tunay na sila ay higit na napatnubayan sa daan kaysa sa mga Kasamahan ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan!"