Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 66 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 66 sa 176 • Tagalog


وَلَوْ أَنَّا كَتَبْنَا عَلَيْهِمْ أَنِ اقْتُلُوا أَنْفُسَكُمْ أَوِ اخْرُجُوا مِنْ دِيَارِكُمْ مَا فَعَلُوهُ إِلَّا قَلِيلٌ مِنْهُمْ ۖ وَلَوْ أَنَّهُمْ فَعَلُوا مَا يُوعَظُونَ بِهِ لَكَانَ خَيْرًا لَهُمْ وَأَشَدَّ تَثْبِيتًا 66
Pagsasalin:
Kung sakaling Kami ay nagtakda sa kanila na: “Patayin ninyo ang mga sarili ninyo o lumisan kayo sa mga tahanan ninyo” ay hindi sana sila gumawa nito maliban sa kaunti sa kanila. Kung sakaling sila ay nagsagawa ng ipinangangaral sa kanila, talaga sanang ito ay naging higit na mabuti para sa kanila at higit na matindi sa pagpapatatag [sa pananampalataya] An-Nisā’ 4:66
Tafsīr:
Kung sakaling si Allāh ay nagsatungkulin sa kanila ng pagpatay sa isa't isa sa kanila o ng paglisan mula sa mga tahanan nila, wala sanang sumunod sa utos Niya kabilang sa kanila maliban sa isang maliit na bilang. Kaya purihin nila si Allāh na Siya ay hindi nag-atang sa kanila ng nagpapahirap sa kanila. Kung sakaling sila ay gumawa sa ipinaaalaala sa kanila na pagtalima kay Allāh, talaga sanang ito ay naging higit na mabuti kaysa sa pagsalungat at higit na matindi sa pagpapakalalim sa pananampalataya nila, talaga sanang nagbigay Siya sa kanila mula sa ganang Kanya ng isang gantimpalang dakila, at talaga sanang nagtuon Siya sa kanila tungo sa daang nagpaparating sa Kanya at sa Paraiso.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 65 Susunod An-Nisā’ • Talata 67