Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 74 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 74 sa 176 • Tagalog


فَلْيُقَاتِلْ فِي سَبِيلِ اللَّهِ الَّذِينَ يَشْرُونَ الْحَيَاةَ الدُّنْيَا بِالْآخِرَةِ ۚ وَمَنْ يُقَاتِلْ فِي سَبِيلِ اللَّهِ فَيُقْتَلْ أَوْ يَغْلِبْ فَسَوْفَ نُؤْتِيهِ أَجْرًا عَظِيمًا 74
Pagsasalin:
Kaya makipaglaban ayon sa landas ni Allāh ang mga nagbili ng buhay na pangmundo kapalit ng Kabilang-buhay. Ang sinumang makikipaglaban ayon sa landas ni Allāh at mapapatay ito o mananaig ito ay magbibigay rito ng isang pabuyang sukdulan [sa Paraiso]. An-Nisā’ 4:74
Tafsīr:
Kaya makipaglaban ayon sa landas ni Allāh – upang ang Salita ni Allāh ay ang kataas-taasan – ang mga mananampalatayang tapat, na nagtinda ng buhay Mundo dala ng pag-ayaw rito kapalit ng Kabilang-buhay dala ng pagmimithi roon. Ang sinumang makikipaglaban sa landas ni Allāh – upang ang Salita Niya ay maging ang kataas-taasan – at mapapatay bilang martir o mangingibabaw sa kalaban nito at magwawagi laban doon ay magbibigay rito si Allāh ng isang gantimpalang sukdulan, ang Paraiso at ang pagkalugod ni Allāh.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 73 Susunod An-Nisā’ • Talata 75