Ang mga sumampalataya ay nakikipaglaban ayon sa landas ni Allāh at ang mga tumangging sumampalataya ay nakikipaglaban ayon sa landas ng nagpapakadiyos. Kaya makipaglaban kayo sa mga katangkilik ng demonyo. Tunay na ang panlalansi ng demonyo ay laging mahina. An-Nisā’ 4:76 ⧉
Tafsīr:
Ang mga sumampalatayang tapat ay nakikipaglaban ayon sa landas ni Allāh para sa pagtataas ng Salita Niya samantalang ang mga tagatangging sumampalataya ay nakikipaglaban ayon sa landas ng mga diyos nila. Kaya makipaglaban kayo sa mga katulong ng demonyo sapagkat tunay na kayo, kung nakipaglaban kayo sa kanila, ay dadaig sa kanila dahil ang pangangasiwa ng demonyo ay laging mahina: hindi nakapipinsala sa mga nananalig kay Allāh – pagkataas-taas Siya.