Ang sinumang tumatalima sa Sugo ay tumalima nga kay Allāh. Ang sinumang tumalikod, hindi nagsugo sa iyo bilang tagapag-ingat sa kanila. An-Nisā’ 4:80 ⧉
Tafsīr:
Ang sinumang tumatalima sa Sugo sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinag-utos niya at pag-iwas sa sinaway niya ay tumugon nga sa utos ni Allāh. Ang sinumang umayaw sa pagtalima sa iyo, O Sugo, ay huwag kang malungkot sa kanya sapagkat hindi nagsugo sa iyo bilang tagamasid sa kanya, na nag-iingat ka sa mga gawain niya. Si Allāh lamang ang magbibilang sa gawain niya at tutuos sa kanya.