Kaya hindi ba sila nagmumuni-muni sa Qur’ān? Kung sakaling ito ay mula sa ganang iba pa kay Allāh, talaga sanang nakatagpo sila rito ng pagkakaiba-ibang marami. An-Nisā’ 4:82 ⧉
Tafsīr:
Bakit hindi nagninilay-nilay ang mga ito sa Qur'ān at nag-aaral nito hanggang sa mapagtibay sa kanila na walang natatagpuan ditong pagkakaiba-iba ni kalituhan at hanggang sa malaman nila ang katapatan ng inihatid mo? Kung sakaling ito ay mula sa ganang iba pa kay Allāh – pagkataas-taas Siya – ay talaga sanang nakatagpo sila rito ng kalituhan sa mga patakaran nito at pagkakaiba-ibang marami sa mga kahulugan nito.