Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 84 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 84 sa 176 • Tagalog


فَقَاتِلْ فِي سَبِيلِ اللَّهِ لَا تُكَلَّفُ إِلَّا نَفْسَكَ ۚ وَحَرِّضِ الْمُؤْمِنِينَ ۖ عَسَى اللَّهُ أَنْ يَكُفَّ بَأْسَ الَّذِينَ كَفَرُوا ۚ وَاللَّهُ أَشَدُّ بَأْسًا وَأَشَدُّ تَنْكِيلًا 84
Pagsasalin:
Kaya makipaglaban ka ayon sa landas ni Allāh; hindi ka nag-aatang maliban sa sarili mo. Mag-udyok ka sa mga mananampalataya, harinawang si Allāh ay sumupil sa kapangyarihan ng mga tumangging sumampalataya. Si Allāh ay higit na matindi sa kapangyarihan at higit na matindi sa panghalimbawang pagpaparusa. An-Nisā’ 4:84
Tafsīr:
Kaya makipaglaban ka, O Sugo, ayon sa landas ni Allāh para sa pagtataas ng Salita Niya. Hindi ka tatanungin tungkol sa iba pa sa iyo at hindi ka oobligahin dahil doon dahil ikaw ay hindi inaatangan maliban ng pag-udyok sa sarili mo sa pakikipaglaban. Magpaibig ka sa mga mananampalataya sa pakikipaglaban at manghimok ka sa kanila rito, harinawang si Allāh ay tumulak sa lakas ng mga tagatangging sumampalataya. Si Allāh ay higit na matindi sa lakas at higit na matindi sa pagpaparusa.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 83 Susunod An-Nisā’ • Talata 85