Ang sinumang papatay sa isang mananampalataya nang sinasadya, ang ganti sa kanya ay Impiyerno bilang mananatili roon. Magagalit si Allāh sa kanya, susumpa sa kanya, at maghahanda sa kanya ng isang pagdurusang sukdulan. An-Nisā’ 4:93 ⧉
Tafsīr:
Ang sinumang papatay ng isang mananampalataya sa paraang pananadya nang walang karapatan, ang ganti sa kanya ay pagpasok sa Impiyerno bilang isang mananatili roon kung nagturing siya na ipinahihintulot iyon. Magagalit si Allāh sa kanya, magtataboy sa kanya mula sa awa Nito, at maghahanda para sa kanya ng isang pagdurusang mabigat dahil sa paggawa-gawa niya ng malaking pagkakasalang ito.