Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 98 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 98 sa 176 • Tagalog


إِلَّا الْمُسْتَضْعَفِينَ مِنَ الرِّجَالِ وَالنِّسَاءِ وَالْوِلْدَانِ لَا يَسْتَطِيعُونَ حِيلَةً وَلَا يَهْتَدُونَ سَبِيلًا 98
Pagsasalin:
maliban sa mga sinisiil kabilang sa mga lalaki, mga babae, at mga bata na hindi nakakakaya ng isang kaparaanan at hindi napapatnubayan sa landas [sa paglikas] An-Nisā’ 4:98
Tafsīr:
Ibinubukod sa bantang ito ang mga mahinang may mga maidadahilan, mga lalaki man o mga babae o mga paslit, na kabilang sa mga walang lakas na maipantatanggol nila sa mga sarili nila laban sa kawalang-katarungan at panlulupig, at hindi napapatnubayan sa isang daan upang makatakas sa dinaranas nilang ito na panlulupig. Ang mga iyon, harinawa, si Allāh dahil sa awa Niya at kabaitan Niya ay magpaumanhin sa kanila. Laging si Allāh ay Mapagpaumanhin sa mga lingkod Niya, Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 97 Susunod An-Nisā’ • Talata 99