Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ghāfir — Talata 29 (Tagalog) — Bidyo

Ghāfir • Talata 29 sa 85 • Tagalog


يَا قَوْمِ لَكُمُ الْمُلْكُ الْيَوْمَ ظَاهِرِينَ فِي الْأَرْضِ فَمَنْ يَنْصُرُنَا مِنْ بَأْسِ اللَّهِ إِنْ جَاءَنَا ۚ قَالَ فِرْعَوْنُ مَا أُرِيكُمْ إِلَّا مَا أَرَىٰ وَمَا أَهْدِيكُمْ إِلَّا سَبِيلَ الرَّشَادِ 29
Pagsasalin:
O mga kalipi ko, sa inyo ang paghahari ngayong araw habang mga tagapangibabaw sa lupain [ng Ehipto], ngunit sino ang mag-aadya sa atin laban sa parusa ni Allāh kung dumating ito sa atin?” Nagsabi si Paraon: “Wala akong ipinakikita sa inyo kundi ang nakikita ko at wala akong ipinapatnubay sa inyo kundi ang landas ng kagabayan.” Ghāfir 40:29
Tafsīr:
O mga kalipi ko, sa inyo ang paghahari ngayong araw habang mga nananaig sa lupain ng Ehipto, ngunit sino ang mag-aadya sa atin laban sa pagdurusang dulot ni Allāh kung dumating ito sa atin dahilan sa pagpatay kay Moises?" Nagsabi si Paraon: "Ang pananaw ay ang pananaw ko at ang kahatulan ay kahatulan ko. Nagpasya na ako na patayin si Moises bilang pagtutulak sa kasamaan at kaguluhan. Hindi ako gumagabay sa inyo malibang tungo sa tumpak at tama."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ghāfir • Talata 28 Susunod Ghāfir • Talata 30