Magsasabi ang mga nasa apoy sa mga [anghel na] tagatanod ng Impiyerno: “Dumalangin kayo sa Panginoon ninyo na magpagaan Siya para sa amin ng isang araw mula sa pagdurusa.” Ghāfir 40:49 ⧉
Tafsīr:
Magsasabi pa ang mga pinagdurusa sa Apoy, kabilang sa mga tagsunod at mga sinunod, sa mga anghel na itinalaga sa apoy noong nalagutan na sila ng pag-asa sa paglabas mula sa Apoy at panunumbalik sa buhay na pangmundo upang magbalik-loob sila: "Dumalangin kayo sa Panginoon ninyo na magpagaan Siya para sa amin ng iisang araw mula sa namamalaging pagdurusang ito."