Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ghāfir — Talata 51 (Tagalog) — Bidyo

Ghāfir • Talata 51 sa 85 • Tagalog


إِنَّا لَنَنْصُرُ رُسُلَنَا وَالَّذِينَ آمَنُوا فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا وَيَوْمَ يَقُومُ الْأَشْهَادُ 51
Pagsasalin:
Tunay na Kami ay talagang nag-aadya sa mga sugo Namin at mga sumampalataya sa buhay na pangmundo at sa Araw na titindig ang mga saksi, Ghāfir 40:51
Tafsīr:
Tunay na Kami ay talagang nag-aadya sa mga sugo Namin at mga sumampalataya sa Amin at sa mga sugo sa Mundo sa pamamagitan ng pagpapangibabaw sa katwiran nila at ng pag-alalay sa kanila laban sa mga kaaway nila, at mag-aadya sa kanila sa Araw ng Pagbangon sa pamamagitan ng pagpapasok sa kanila sa Paraiso at sa pamamagitan ng pagpaparusa sa mga kaalitan nila sa Mundo sa pamamagitan ng pagpapasok sa mga iyon sa Apoy matapos na sumaksi ang mga propeta, ang mga anghel, at ang mga mananampalataya sa pagkaganap ng pagpapaabot [ng mensahe] at pagpapasinungaling ng mga kalipunan [sa mensahe].
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ghāfir • Talata 50 Susunod Ghāfir • Talata 52