Si Allāh ang gumawa para sa inyo ng gabi upang tumahan kayo roon at ng maghapon bilang nagpapakita. Tunay na si Allāh ay talagang may kabutihang-loob sa mga tao, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nagpapasalamat. Ghāfir 40:61 ⧉
Tafsīr:
Si Allāh ay ang gumawa para sa inyo ng gabi bilang tagapagpadilim upang tumahan kayo roon at makapagpahinga kayo, at gumawa ng maghapon bilang tagapagtanglaw na tagapagbigay-liwanag upang magtrabaho kayo roon. Tunay na si Allāh ay talagang may dakilang kabutihang-loob sa mga tao nang nagpanagana Siya sa kanila mula nakahayag sa mga biyaya Niya at nakakubli sa mga ito, subalit ang karamihan sa mga tao ay hindi nagpapasalamat sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – sa ibiniyaya Niya sa kanila mula sa mga ito.